This is another minisode of School Rumble which I really liked so eto, magkukwento na naman ako! (Pag di ko ma-capture ung saya at damdamin ng kwento, panuorin nyo ung anime!) =)
Hayyy, nanlulumong pinagmasdan ni Tenma ang mga butil ng ulang nag-uunahang bumagsak sa harapan ng kanilang bahay. Si Yakumo naman (nakababatang kapatid ni Tenma na malayong mas matured sa kanya) ay abala sa pag-aayos ng lamesa.
“Ate, baka hanggang mamayang gabi pa daw ang ulan,” may pag-aalalang sambit ni Yakumo sa kapatid.
“Hay naku, malabo palang makanuod kami ng meteor shower ngaung gabi,” nakalabi si Tenma. Maya-maya’y tinawagan na nya ang mga kaibigan (Eri, Mikoto at Akira) upang sabihing di na sila matutuloy sa shrine. Doon nila planong panuorin ang meteor shower. Bihira lang magkaroon ng meteor shower kaya naman tanghali pa lang ay nagplano na silang mag-star gazing ng sama-sama. Nakalista na nga ang mga wishes ni Tenma. Dapat kasi mabangngit ng apat na ulit ang wish bago maglaho ang wishing star para magkatotoo ito. Pero eto nga, umulan naman.
Maya-maya pa’y nakatulog na c Tenma sa lapag.
Sa shrine, mag-isang naglalakad si Karazuma (ang lihim na pag-ibig ni Tenma), suot ang kanyang kapoteng pagong. Sa pagitan ng mga ulap ay may isang wishing star na dumaan. Saglit na tumigil cia sa paglalakad at animo’y humiling.
Maya-maya pa’y umaliwalas na ang langit.
Si Eri na nasa veranda ng kanilang mansion ay nakangiting nagtaas ng toast sa mga nagdadang wishing stars. Si Mikoto naman ay nakatanaw sa bintana ng kanyang kwarto, pinanunuod ang mga wishing stars at maya-maya’y makahulugang napalingon sa nakabukas na bintana ng kanyang childhood friend na si Hanai, ang pinakamatalinong lalaki sa kanilang klase. Si Tenma? Ayun, tulog pa din, di magising kahit pa yugyugin ng kapatid.
Noon lang napansin ni Yakumo ang nakalatag na mga piraso ng papel sa lamesa. Yun ang mga wishes ni Tenma.
Wish # 1. Sana maging magkaibigan kami ulit ni Karazuma.
Wish # 2. Sana makakain ako ng maraming masasarap na pagkain.
Wish # 3. Sana matanggal ang English subject... pati na din Math.
Wish # 4. Sana maging mas mabuti pa akong kapatid kay Yakumo. Sana maalagaan ko syang mabuti.
Natigilan si Yakumo sa hiling ng kanyang ate. Oo nga’t isip-bata ang kanyang kapatid, subalit lagi sya nitong prinoprotektahan mula pa pagkabata, nung nawala ang kanilang mga magulang. Kaya naman mahal na mahal nya ang kanyang Ate Tenma.
Di na ginising ni Yakumo ang kapatid. Sa halip, lumabas cia ng bahay at pinagmasdan ang langit, sabay sambit ng kanyang hiling.
Samantala...
Tulog pa rin c Tenma… “heeheehee… sino’ng tatay mo?”, sambit nya nung bumiling. “Zzzzzzzzzzz”.
Tuesday, December 1, 2009
Wishing Star
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Wow, others actually read my blog hihi. m so hapi. thanks guys, I feel lyk sharing more =)
ReplyDelete